my heart's beat. xD

Magtatagalog muna ako ah.. Haaay... I'll share some stuff first. Una, inasar ako ng inasar dahil sa pagkatalo ng Ginebra nung Sunday. Second, mas inasar ako ng inasar since kahapon dahil sa pagkatalo naman nung Wednesday. Grabe. Sa sobrang asar ko, may inaway ako.. Jamships, si "kapal muks" po ung inaway ko. Air21 kasi siya. Parang nanalo sila eh no.. Haha. Nainis talaga ako kasi lagi niyang binibring up.

Katatapos lang ng game. Purefoods vs. Talk N Txt. Sus ko. Hindi na nakapahinga ang puso ko! Grabe.. kapagod sumigaw, tumili, mag reklamo, tumayo kasi hindi ko kayang umupo sa kaba. Naka 3 baso ako ng tubig, puno. Record na yun. :))

Tapos biglang nawalan ako ng pag-asa. Kasi siyempre, konti nalang yung time tapos two digits pa ung lamang. Tapos un. Ewan ko. Bigla nalang nakabawi ang PF. Si James nagtres! Tapos naging 87-86 yung score. Nag timeout si Coach Ryan G.

Nung timeout, walang ibang sinabi si Coach kundi "James.":)) nung game, eto ang napakaunexpected na nangyari.

Nagkapasahan. Si Kerby, tinry magshoot kaso hindi pumasok. Nakuha ni Villanueva ang rebound, nagkaagawan ang 2 taga-TNT at si Chico Lanete. Nagshoot si Chico, 1 sec nalang.. PASOK!

Shaming talaga. Siya yung unexpected person na gumawa nun. Everyone expected James to do it. Kung hindi siya, si Kerby siguro. Tapos biglang si Chico Lanete na ang bida sa game! :) Si Coach Ryan G. naman, nagmukhang bata sa kakatalon! Buong PF pumunta kay Chico. Yan talaga ang PF eh, isang brotherhood talaga. Success ng isa, success ng lahat. Kaaway ng isa, kaaway ng lahat. :)

Ininterview sina James at Chico. I think pareho silang best player. James had 30 points and 5 rebounds. Si Chico naman, 24 points and 6 rebounds. :)

Ang saya ng game. SOBRA! hindi ko kinaya yun! Sobrang nanginginig na kaya ako nun! Buti nalang hindi agad ako kumain. Or else nagchoke siguro ako or something. :))

Bukas naman, game ulit ng Ginebra vs. Coca-Cola. As usual, kinakabahan ako. But I know na kaya nila. I have confidence in both BGK and PF kahit kinakabahan ako. Nasa sistema ko talaga yun eh. Pero manalo matalo, I don't blame anyone. :)

GO PUREFOODS! GO GINEBRA! FIGHT FIGHT FIGHT!

0 comments: